Saturday, February 21, 2009

Bob Ong's Philosophy on Love

Bob Ong’s Philosophy on Love

1. ‘Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo
para mahalin ka nya.’

2. ‘Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng
iba.’

3. ‘Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.’

4. ‘Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.’

5. ‘Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo
kung walang pwesto para sa iyo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin.’

6. ‘Kung maghihintay ka nang lalandi sa iyo, walang mangyayari sa buhay
mo. Dapat lumandi ka din.’

7. ‘Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang…’

8. ‘Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa.’

9. ‘Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao
rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.’

10. ‘Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka
naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.’

11. ‘Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa
mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan
kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,
malandi, pa-fall o paasa.’

12. ‘Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang
kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga
crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.’

13. ‘Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority.’

14. ‘Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida
sa script na pinili nya.’

15. ‘Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.’

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng
hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. ‘Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit?
Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo
sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang
tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!’

19. ‘Ang pag-ibig parang imburnal…. nakakatakot mahulog…at kapag
nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..’